Ang Iyong Salita’y imbakan
Ang Iyong Salita’y imbakan
1
|
Ang Iyong Salita’y imbakan, Panustos, kay yaman Ang may nais, pumarito Upang makisalo. Minahan ang Iyong Salita, Hiyas na bihira; Nakakubli sa ilalim, Upang ’ting hanapin. |
2
|
Iyong Salita’y tila bituin, Marami’t maningning, Liwanag sa manlalakbay, Giya at patnubay. Iyong Salita ay sakbatan, Do’n matatagpuan Mga sandatang kailangan, Para sa labanan. |
3
|
Salita Mo’y iibigin, Mina’y saliksikin, Kayamanan nito’y kamtim, Ilaw ay magningning. Baluti ko’y Iyong Salita, Tabak ay pag-asa; Matutuhan kong labanan. Lahat ng kalaban. |
4
|
Salita ng buhay na Diyos, Kalo’ban ni Hesus; Diyos at Kristo’y di makuha. Kung Salita’y wala. Nawa’y aming matutuhan, Kanyang karunungan, At sa aral makalangit, Puso’y mapalapit. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?