Sa ngalan ni Hesus
Sa ngalan ni Hesus
1
|
Sa ngalan ni Hesus, Luluhod lubos; Dila ay sasabi: Haring l’walhati! Poon tawagin Siya, Lugod ng Ama; Mal’kas na Salita, No’ng simula pa. |
2
|
Lahat ng nilikha, Sa salita Niya: Kaagad lumitaw, Bitui’t araw. Pamunua’t trono, Anghel may hukbo, Ayos makalangit, Pawang marikit. |
3
|
Sandaling bumaba, Upang makuha Mahal ng may sala; Ngalang dakila. Pinasan Niyang dusa, Walang dungis Siya, Pinagtagumpayan Ang kamatayan! |
4
|
Itinaas ito, Nang nananalo. Sa tanang nilikha, Siyang nasa gitna. Abot sa luklukan, Ng pamunuan. Sakdal na pahinga, Puspos ng glorya. |
5
|
Hesus, Siya’y tawagin, Siya ay ibigin; Kamangha-mangha Siya, Kanya’ng paghanga. Diyos Manliligtas Siya Kristo’t Poon pa. Manalig sa Kanya Ng may pagsamba. |
6
|
Iluklok sa puso, Haring si Kristo. Pasakop sa Kanya, Mga may sala. Sa oras ng tukso, Upang manalo, Kristo’y pamunuin, Nais Niya’y sundin. |
7
|
Panginoong Hari, Babalik muli. Anghel ay kasama, Glorya ng Ama. Mga kaharian At pumunuan: Ipahayag nga Siya Hari ng glorya. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?