Pangalan Mo’y mahal ko
Pangalan Mo’y mahal ko
1
|
Pangalan Mo’y mahal ko, Luluhod sa harap Mo; L’walhati’t kapangyarihan Ikaw lamang bibigyan. Magkaisa ang himig, Ganda Mo’y aming awit. Papuri’t pasasalamat, Ika’y karapat-dapat. |
2
|
Pangalan Mo’y mahal ko, Sinasalaysay nito Pag-ibig ng Diyos, bago pa Panaho’y nagsimula. Tisod na tao’y nais, Iligtas ng pag-ibig. Kaya bumaba Ka rito Gawin kaming yaman Mo. |
3
|
Mahal ko ang Iyong ngalan, Sinalaysay pagsilang: Biyaya Mo’t kaamuan, At malumbay Mong daan. “Taong kapighatian”, Aming hirap Iyong pasan; Ininom sarong mapait Sinuot putong, tinik. |
4
|
Aking mahal ngalan Mo, Sa Diyos, Ika’y Kordero; Sa aking sala’y nagbubo Ng Iyong mahal na dugo. Nakaluklok sa langit, May putong na l’walhati; Laya ako’y Iyong binigyan, Aleluya sa Ngalan! |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?