Efeso 2-3

  Efeso 2-3
1
Sa likas, no’n patay sa sala,
Sa mundong walang pag-asa;
Nguni’t binuhay ng Diyos tayo,
’Binangon, niluklok kas’ma ni Kristo.
  Hesus, tayo’y pinagkaisa,
Tingnan, banal nagkakaisa.
Pag-ibig Niya’y binuklod tayo,
Sa sukat ng kapuspusan ni Kristo.
2
Kasamang banal natatalos,
Kung ano ang sukat ng Diyos.
’Nong taas, lalim, lawak, haba,
Nang mapuspusan ng kapuspusan Niya.
3
Alam natin layunin ng Diyos,
Hiwaga’y nakitang lubos:
Kristo’t ekklesia ’ting nakita,
Magkasamang kaaway ’pinahiya.
4
Sa Amang Diyos nananalangin -
Taong panloob palakasin;
Manahan Ka sa aming puso,
Iyong patatagin para sa Iyong plano.
5
Nagkakalakip sa Katawan,
Bilang sangkap natustusan;
Ayon sa sukat ay gumawa,
Lalago’t mapatibay sa pagsinta.
6
Ngayon sa layon nagkaisa,
Bilang ang bagong tao Niya.
Sa ekklesia sa lo’b ni Kristo,
L’walhati sa Diyos magpakailanpaman!