Salita ng Diyos ang Biblia

1
Salita ng Diyos ang Biblia,
Mensahe’y iisa—
Magnobyong banal nagka-isa
Si Kristo’t ekklesia.
  Anong himala na tayo’y Kanyang nobya
Anong himala ang lahat ay iniwan,
Upang maghanda tayong salubungin Siya
Sa pag-ibig ng Nobyo’y  manahan.
2
Amang Diyos makapangyar’han
Layon Niya’y iisa—
Hanapan, bigyan ng nobya
Si Kristong Anak Niya.
3
Anak, Poong Hesu-Kristo,
Naisin Niya’y isa—
Isang Nobyang mapagmahal
Inibig, natamo.
4
Kristo Mismo Espiritu,
Si-yang nagpapahid
Manganak ng mga tao,
Nobya’y transpormahin.
5
Hesus Salitang buhay rin,
Hinga ng Diyos, buhay
Nang tayo’y mapabanal Niya,
Mal’walhating nobya.