Pinako sa krus na kasama Niya

1
Pinako sa krus na kasama Niya
Lumang tao ko at kasamaan
Nilibing din ahas-kalikasan
Aking ganap ang katotohanan
Panghawakan.
2
Nguni’t ngayon sa espiritu ko
May Personang sanggol na sinilang
Sa gatas ng Salita’y lalago
Nang manaig taong panloob ko
Puso’y tamo.
3
Aking Kristo angkinin puso ko
Bawa’t parte mauna sa pwesto
Sa isip, damdamin, kapasyahan
Di na sumagi dating may ari
Kundi Ikaw.
4
Naghalo ang pantao’t dibino
O Panginoon nagkai-sa tayo.
Wastong katangian ay taglay Mo
Nang Iyong malwalhating pagkatao
Maihayag.
5
Panginoon puso’y binibigay
Sa Iyo, nang maging I-yong tahanan,
Lugar para datnan at tirahan
Putong pagbabawing dakila sa
Bagong tao.