Favorites
Makalimutan ko nga ba
- Makalimutan ko nga ba
Ang Poon na babalik na?
Nagdasal ako sa Ama,
At umawit dah'l sa Kanya. - O bumalik Ka
Mahal na Hari't Poon.
- Makalimutan ko nga ba
Ang magbantay par'sa Kanya?
Sa may galak na pag-akyat,
May bahagi ako dapat. - O bumalik Ka
Mahal na Hari't Poon.
- Makipag-isa ba ako,
Sa madilim na mundong âto?
Hindi! Panlupa'y bitiwan,
Pag-ibig ko'y Kanyang tanan! - O bumalik Ka
Mahal na Hari't Poon.
- Sa âespiritu ang lakad ko;
Lakas ng buhay matamo;
Nagbabantay, naghihintay,
Handa sa Kanyang pagsilay. - O bumalik Ka
Mahal na Hari't Poon.
- Di matigatig ng dyablo,
Araw-araw nakatayo;
Pinto ng Hades nagapi,
Kristo ng Diyos maghahari. - O bumalik Ka
Mahal na Hari't Poon.
- Malimot ba pangako Niya?
Laging tatawag sa Kanya
Pasakdalin panalig ko,
Iyong Salita'y tuparin Mo. - O bumalik Ka
Mahal na Hari't Poon.
Details
Links
Related Songs
Other Languages
Random Songs