Favorites

Kay l'walhati, kay liwanag

  Mode: MP3/MIDI
  1. Kay l'walhati, kay liwanag,
    Bagong Herusalem banal;
    Tahanan ng Diyos at tao,
    Nobyang dalisay ni Kristo.
  2. Luma't Bagong Tipang banal,
    Siyang bumubuo sa lunsod;
    Tinayong tagapagmana,
    Diyos sa kanila'y tumira.
  3. Lunsod perpektong kwadrado,
    Haba, l'wang, taas—pareho;
    Walang kulang, walang labis.
    Pawang wasto, walang lihis.
  4. Lansanga'y gintong taganas,
    Gayang kristal namamalas;
    Tinukoy dibinong buhay,
    Kalikasan kanyang taglay.
  5. Perlas tanang doseng pinto,
    Tukoy pagtubos ni Kristo;
    Ma'silang-muli't 'transporma,
    Pasok sa saklaw ng Diyos nga.
  6. Doseng pundasyon ng pader,
    Pawang mahalagang bato;
    Dumaan sa init, gipit,
    Halaga ay napahigit.
  7. Jaspeng pader malakristal,
    L'walhati ng Diyos natanaw;
    Sum'nag mal'walhating ilaw,
    Bilang jaspe Siya'y lumitaw.
  8. Pader nakapaghiwalay,
    Sa di malinis, di banal,
    Ginto, perlas, batong-hiyas,
    Taglay ng lunsod na wagas.
  9. Diyos at Kordero ang Templo!
    Mukha'y makita ng tao;
    Parati ang presensya Niya,
    Sa Kanya'y laging sasamba.
  10. Sa lunsod ang araw at buwan,
    Pawang hindi na kailangan;
    L'walhati ng Diyos ang ilaw,
    Kordero'y ilawang tanglaw.
  11. Sa trono ng Kordero't Diyos,
    Ilog ng buhay umagos;
    Magkabilang pampang nito,
    Puno ng buhay lumago.
  12. Sinagisag buhay ng Diyos,
    Umaagos, may panustos;
    Dala'y awtoridad ng Diyos,
    Habang sa lunsod umagos.
  13. Kalikasan ngang dibino,
    Ang lansangang purong ginto;
    Ilog ay maiinuman,
    Bunga'y may kasaganaan.
  14. Bilang na dose'y gobyerno,
    At walang-hanggang kumpleto;
    Diyos at tao naihalo,
    Produkto ng tres por kwatro.
  15. Kadiliman, walang puwang,
    Kamatayan ni sakit man;
    Lumang bagay lumipas na,
    Diyos at tao magkasama.
  16. Lunsod may larawan ng Diyos,
    Awtoridad Niya'y natalos;
    Tinutupad ang layon Niya,
    Mabigyang-kasiyahan Siya.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds