Favorites

Ang sentrong isip ng Diyos -

  Mode: MP3/MIDI
  1. Ang sentrong isip ng Diyos -
    Siya't tao'y maging isa;
    Siya ang lahat sa tao
    Plano Niya'y maisagawa.
  2. Tao'y likhang sisidlan -
    'Spiritu, kal'lwa, laman,
    Buhay ng Diyos makamtan,
    Tunay ang kaisahan.
  3. Buhay ng Diyos dumaloy
    Nang tao'y maging bato,
    Maitayo ang templo,
    Diyos l'walhatiin nito.
  4. Bayang banal 'tinayo,
    Tahanang ibig ng Diyos,
    Bagong Herusalem 'to,
    Tinupad layon ng Diyos.
  5. Pagtatayo ng banal,
    Diyos at tao'y naghalo,
    Binalak ng Maykapal,
    Nilugod ang Diyos't tao.
  6. Trono ng Diyos't Kordero,
    Sa gitna'y pinagmulan
    Ng tubig na 'Spiritu,
    Agos na walang hanggan.
  7. Kristo'y puno ng buhay,
    Kabilaan ng ilog,
    Bungang dibinong buhay
    Ay sa ikabubusog.
  8. Diyos kay Kristo'y siyang ilaw,
    Sa lunsod nagliwanag,
    Kadilima'y pumanaw
    Sa dibinong pagsinag.
  9. Diyos sa tao, tao't Diyos,
    'Nahan sa isa't isa;
    Laman ng tao ay Diyos
    Diyos sa tao'y makita.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds