Favorites

Poon anong nagpatungo

  Mode: MP3/MIDI
  1. Poon anong nagpatungo,
    Sala nami'y sa Iyo?
    Tayo mo'y bilang salarin.
    Sala Iyong pasanin:
    Bilang hain nagdugo Ka.
    Ako'y napalaya!
  2. Puno ng sumpa, 'king saro,
    Dapat bahagi ko;
    Bawa't pait Iyong inubos
    Para sa 'king lubos.
    Saro ng kapaitan Iyo,
    Pala bahagi ko.
  3. Panghampas ng Diyos Ama Mo
    O sa Iyo dumapo!
    Nang di ako parusahan,
    Ikaw ang sinaktan.
    Mahal Mong dugo umagos
    Nang ako'y matubos.
  4. Mabangis na hangi't alon
    Sa Iyo'y sumulong;
    Dibdib Mo'y aking kanlungan,
    Akin ding kublihan.
    Kapayapaan natamo
    Dahil sa dusa Mo.
  5. Tabak inutos ng Ama,
    O, sa Iyo'y tumama!
    Talim sa puso'y tumagos,
    Dugo mo'y umagos.
    Hiling ng Diyos Iyong natupad
    Tigil na ang tabak.
  6. Namatay Ka para sa 'kin,
    Sa lo'b Mo'y patay rin
    Nabuhay Ka, pinalaya,
    Sa lo'b ko buhay Ka.
    Ma'dalisay, matransporma,
    Tungo sa Iyong glorya!

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds