Favorites

Siya'y mag-isang nanalangin

  Mode: MP3/MIDI
  1. Siya'y mag-isang nanalangin
    Sa gabing madilim;
    Saro ng poot inubos;
    Siya'y nagdusang lubos.
    • Nag-iisa,
      Pasan Niyang mag-isa;
      Buhay Niya ay ibinigay,
      Nagdusa, nagdugo at namatay.
  2. Nag-iisang nakatayo,
    K'harap ni Pilato;
    Suot tinik na korona,
    Lahat, tinakwil Siya.
    • Nag-iisa,
      Pasan Niyang mag-isa;
      Buhay Niya ay ibinigay,
      Nagdusa, nagdugo at namatay.
  3. Siya ay ipinako sa krus,
    Nang tao'y matubos;
    'Tinakwil ng Diyos at tao,
    Siya'y nagsakripisyo.
    • Nag-iisa,
      Pasan Niyang mag-isa;
      Buhay Niya ay ibinigay,
      Nagdusa, nagdugo at namatay.
  4. Pagsintang di mapantayan,
    Iyo bang tatanggihan?
    Siya ay Iyong pasalamatan,
    At huwag mo Siyang iwan.
    • Nag-iisa,
      Pasan Niyang mag-isa;
      Buhay Niya ay ibinigay,
      Nagdusa, nagdugo at namatay.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds