Favorites
Magiging mandaraig ba
- Magiging mandaraig ba?
Tawag ni Kristo!
Tagasunod, nais mo ba?
Kahit di tanto? - Magiging mandaraig ba?
Pagpasiyahan mo,
Ngayon ay tumatawag Siya,
Putong kamtin mo!
- Magiging mandaraig ba?
Lapit sa Kanya!
"Unang pag-ibig" sa Kanya,
Huwag magpabaya. - Magiging mandaraig ba?
Asa'y buhay Niya;
Sa pag-uusig magdusa,
Maging tapat ka. - Magiging mandaraig ba?
Maging saksi ka!
Iwan relihiyon, makuha
Ang "tagong manna." - Magiging mandaraig ba,
Tunay at wagas?
Kasamaan ay mapuksa,
Sa iyo ang lakas. - Magiging mandaraig ba?
Kristo'y asahan;
Walang mantsa'ng kamatayan,
Iyong kasuotan. - Magiging mandaraig ba?
Ngalan huwag 'kaila!
Tupdin ang Kanyang salita,
Gawin iyong kaya. - Magiging mandaraig ba?
Kamtin higit pa:
Huwag maging malahininga,
Ni palalo pa! - Magiging mandaraig ba?
Tinatawag ka,
Ngayon ba'y tapat sa Kanya,
Tupdin atas Niya?
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs