Favorites

Ngalang Hesus ang saligan

  Mode: MP3/MIDI
  1. Ngalang Hesus ang saligan,
    Siya'ng ating tagumpay;
    Sarili ay huwag asahan,
    Huwag sa lakas, husay;
    Tabak ng 'Spiritu'y kunin,
    Di armas ng laman;
    Baluti ng Diyos ay damtin,
    Lipulin kalaban.
  2. Nagtitipon ang kalaban,
    Magpakatibay ka!
    Sa mabagsik na labanan,
    Kay Kristo umasa!
    Kung matakot, umurong ka,
    Hukbo'y madaramay;
    Huwag hiyain ang kasama,
    Huwag kang manlupaypay.
  3. Gahol sa oras ang Diyablo,
    Lalong mabangis siya,
    Pahihinain ka bago
    Laban magsimula.
    Panlilinlang, dusa't tukso
    Higit kaysa dati,
    Hades mag-uusig sa iyo
    Nang lalong matindi.
  4. Anong saloobin kaya
    Ang dapat mataglay?
    Tayo'y magpakalayaw ba,
    Matalo ng ka'way?
    O magtiis pa ng dusa?
    Dito pagpasiyahan
    Buhay o kamatayan ba?
    Gantimpala'y kamtan?
  5. Kaya't magpakatibay ka;
    Nagtagumpay Hesus.
    Tiisin mo'ng bawa't dusa
    Hanggang sa matapos.
    Magbabalik na si Hesus,
    Laban ay mapawi;
    Magdusa para kay Hesus,
    Ika'y maghahari.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds