Favorites

Bagama't Diyos na mal'walhati Ka

  Mode: MP3/MIDI
  1. Bagama't Diyos na mal'walhati Ka,
    Sa laman sa ami'y lumapit Ka,
    Naging isang mababang Tao Ka;
    Ginugunita Ka.
  2. Naisantabi kal'walhatian,
    Nananahan Ka sa toldang laman,
    Walang panlabas na karilagan;
    Ginugunita Ka.
  3. Ikaw ay ugat sa tuyong lupa,
    Isang Tao ng kapanglawan Ka,
    Ika'y kinamuhian, minata;
    Ginugunita Ka.
  4. Mababang-loob at mapagtimpi,
    Handang pagdusahin Iyong Sarili,
    Sa tao't Diyos walang sinasabi;
    Ginugunita Ka.
  5. Taong magiliw at matamis Ka,
    Sa bawa't panig balanse ka nga,
    Handog na pagkain Ka sa Ama;
    Ginugunita Ka.
  6. Kalooban ng Diyos sinunod Mo.
    Di kasinungalingan ng Diyablo,
    Napakatapat Mo't matalino;
    Ginugunita Ka.
  7. Sa pagsunod sa kalo'ban ng Diyos,
    Kamatayan binata Mong lubos,
    Para sa akin napako-sa-krus;
    Ginugunita Ka.
  8. Kaya nga, ang Diyos itinaas Ka,
    Binigyan Kang kamahala't glorya,
    Luluhod sa Iyo ang langit, lupa;
    Sinasamba Kita!

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds