Favorites

Anghel nangag-awitan

  Mode: MP3/MIDI
  1. Anghel nangag-awitan
    Glorya sa Bagong-silang
    Na Haring may biyaya
    Payapa nga sa lupa
    Taot Diyos nagkasundo,
    Mangagalak nga tayo;
    Kristo'y naisilang na.
    Atin ding iproklama
  2. Kristo, samba ng tanan,
    Pangino'n walang hanggan
    Sa huli Siya'y dumating
    Naging supling ng birhen
    Salitang naging laman,
    Anong kahiwagaan
    Taong kasama natin
    Hesus, Immanuel natin.
  3. Hari ay papurihan,
    Ang araw ng katwiran,
    Dala'y buhay, liwanag,
    May panlunas na pakpak;
    L'walhati'y iniwan Niya,
    Isinilang sa lupa;
    Nang maisilang-muli
    Ang taong Kanyang mithi.
  4. Mithi ng mga bansa,
    Sa puso'y manahan ka;
    Binhi ng babae man,
    Ulo ng ahas, saktan.
    Anyong Adam burahin
    Iyong anyo ang kamtin.
    Huling Adam, kami nga'y
    Sa pag-ibig tumibay.
  5. (Ulitin ang huling dalawang linya)

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds