Favorites

Poon, magpapal'yok Ka

  Mode: MP3/MIDI
  1. Poon, magpapal'yok Ka,
    At Tagapagtayo pa;
    Sisidla'y hinuhubog,
    Tahana'y ginagawa.
    Ako ay isang tao
    Na kapwa l'wad at bato,
    Nang maging Iyong sisidlan
    At sariling templo Mo.
  2. Kahit na kami ay l'wad,
    Nais Mong matransporma,
    Tulad sa purong ginto,
    Batong mahahalaga;
    Kami'y sa pagtatayo
    Gagawing kasintahan,
    Kaisang Katawan Mo,
    Puso Mo'y masiyahan.
  3. Ang Iyong nais at hangad,
    Di batong nag-iisa,
    Kundi ang Iyong tahanan,
    Tinayong sama-sama.
    O Kristong tunay saklaw,
    Ekklesia ang Iyong hangad,
    Nang ang Iyong kayamanan
    Lubusang maisinag.
  4. Di 'spirituwal na tao
    Na lubhang mapag-isa,
    Buhay-pangmaramihan,
    Hangad Mo'y ma'pakita.
    Sangkap na na'hiwalay,
    Di Ka sakdal na'hayag,
    Katawang pinaglangkap.
    Kapuspusa'y nahayag.
  5. Itayo Mo, Pangino'n,
    Kasama'ng mga banal,
    Mag-isa'y huwag tulutan,
    Ilangkap Mo nang sakdal.
    Sa 'king karanasan at
    Kaloob di magyabang,
    Lahat nami'y 'bibigay,
    Iyo ang kal'walhatian.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds