Favorites

Ang ekklesia'y Katawan

  Mode: MP3/MIDI
  1. Ang ekklesia'y Katawan,
    Sarili ni Kristo;
    Sa Diyos Ama'y tahanan,
    Samahan ng banal,
    Hinalong Diyos at tao,
    Hinirang pa ng Diyos;
    Tinubos sa Kalbaryo
    Makalangit lubos.
  2. Ang muling-pagkabuhay
    Ni Kristo'y nagsilang
    Ng isang bagong tao
    At bagong nilalang;
    Sa kanya'y nagbautismo
    Ang Diyos Espiritu;
    Si Kristo'y kanyang buhay
    Mal'walhating Ulo.
  3. Siya rin ay pinabanal
    Ng Salita ng Diyos,
    Ang kanyang nilalaman
    Ay si Kristong lubos,
    Pati kanyang ugali
    Katulad ni Kristo,
    Lahat ng katunggali
    Kanyang napasuko.
  4. Ang kanyang sinaligan
    Ay si Hesu-Kristo,
    Lahat ng kanyang sangkap,
    Walang makamundo,
    Bawa't sa kanyang sangkap,
    Bahagi'y Kalbaryo;
    Upang sa pagkabuhay
    Sila'y maitayo.
  5. Isang Diyos, isang Poon,
    Espiritu Isa -
    At iisang Katawan,
    Pananalig isa -
    Saka isang bautismo
    At isang pag-asa,
    Ang kanyang diwa't buod,
    Walang hindi isa.
  6. Ang Diyos na tatlo-isa
    Nasa loob nila,
    Upang lahat ay maging
    Katawang iisa,
    Dahil sa pananalig
    Nagkabuklod sila,
    Sa pagbalik ni Hesus,
    Sila'y umaasa.
  7. Ang kanyang mga sangkap
    Sa tanan nagmula,
    Walang lipi at bansa,
    Mataas at aba,
    Ni malaya't alipin,
    Ni Hentil at Hudyo
    Tangi lamang si Kristo,
    Ang Siyang Bagong Tao.
  8. Isa sa sansinukob,
    Tanging iisa siya,
    Nguni't sa pagkahayag
    Bawa't pook isa,
    Pamahalaa'y lokal,
    Kay Kristo managot,
    Ang pagsasalamuha
    Ay pansansinukob.
  9. Si Kristo ang ilawan,
    Ilaw ang Diyos banal,
    Patungan-ng-ilawan,
    Ang ekklesia lokal.
    Lokal niyang pagtitipon,
    Tinutulad nito
    Ang Bagong Herusalem
    Sa bawa't aspekto.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds