Favorites

Hindi dapat limitahan

  Mode: MP3/MIDI
  1. Hindi dapat limitahan,
    Ang katotohanan
    Ng 'ting sekta't kaisipan -
    May hangga't magaspang.
    Higit na katotohanan
    Sa 'tin binubuksan.
    At liwanag ng salita
    Kaya may pag-asa.
  2. Ang orakulo ng langit,
    Tinalian pilit
    Ng 'purol ng pang-unawa
    Pangahas na aba!
    Di maal'mang sansinukob
    Dagat di nalibot
    Ilaw, katotohanan Niya
    Buksan sa salita.
  3. Ninuno'y tinahak dilim
    Sa unang hakbangin;
    Hanggang liwayway tumanghal,
    Sa araw na sakdal;
    O araw na mal'walhati
    Silay Mo titindi,
    Liwanag, katotohanan
    Sa 'min binubuksan.
  4. Dinaanan ang libis at
    Tayo ay paakyat
    'Ting tingnan sa mataas,
    Panahong lumipas;
    Higit na klaro ang hangin,
    Dah'l paakyat pa rin
    Higit na katotohanan
    Sa atin bubuksan.
  5. O Ama, Anak, 'Spiritu,
    Palawakin puso—
    Maunawa pag-ibig Mo
    Ng bawa't Kristiyano;
    Na sa 'mi'y mas itanglaw nga
    Ilaw ang Salita,
    Maging ang katotohanan
    Higit Mong bubuksan.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds