Favorites

Tao'y di lang nabubuhay

  Mode: MP3/MIDI
  1. Tao'y di lang nabubuhay
    Sa pagkain ng tinapay,
    Kundi sa Salita ng Diyos,
    Na siyang tunay nating buhay.
  2. Tayo ay mayr'ong katawan,
    Kaluluwa't espiritu;
    'Spiritu'y pinakaloob,
    Upang ang Diyos ay mahipo.
  3. Kailangan nga ng katawan,
    Ay pagkain na panlupa,
    Kailangan din ng 'spiritu
    Iyong Sarili, Iyong Salita.
  4. 'Spiritu Ka't Salita Mo,
    Naghayag sa Sarili Mo,
    Sarili Mo'y Espiritu,
    Sa 'spiritu ko'y matamo.
  5. Nang matanggap Iyong Salita,
    'Di lang basahin ng mata,
    Ni sa isip maunawa,
    Bagkus 'spiritu'y gumana.
  6. Ang Salita ay kainin
    At tanggapin sa 'spiritu,
    Natanto ay idalangin
    Ensayuhin espiritu.
  7. Ang Salitang nasa isip
    Ay kaalamang pabigat,
    Nguni't buhay at 'spiritu
    Kung sa 'spiritu nalapat.
  8. Tangi kung ang espiritu
    Ay tatanggap ng Salita,
    Salita Mo ay kakanin,
    Sa panloob mahipo Ka.
  9. Sa pagbasa ng Salita,
    Turuan Mong sanayin ko
    Aking 'spiritu, Pangino'n,
    Nang ako'y matustusan Mo.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds