Favorites

May wika ba para sa 'kin

  Mode: MP3/MIDI
  1. May wika ba para sa 'kin,
    Nang mabigkis ako sa Iyo,
    Upang masama'y mawaksi;
    Isang wika mula sa Iyo?
  2. Isang wikang maglalantad,
    Kung ga'no kahina ako,
    Hikbi't pagal, walang saysay;
    Isang wika mula sa Iyo.
  3. Isang wikang maglalahad,
    Sa akin ay kay talik Mo;
    Bumahagi sa Iyong buhay;
    Isang wika mula sa Iyo.
  4. Isang wikang kalakasan,
    Sa pusong may panlulumo,
    Munting tinig na kay linaw;
    Isang wika mula sa Iyo.
  5. Isang wikang matagumpay;
    Pag-asa sa Iyong pangako,
    Na manahan Kang kaisa;
    Isang wika mula sa Iyo.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds