Favorites
Ikaw Mismo'y antigo nga
- Ikaw Mismo'y antigo nga,
Umiral bago pa
Nang walang hanggang simula
Ika'y walang hanggang Ama. - Bagama't naging tao Ka,
Katulad Ka nga ng Ama;
Gaya Niya sa kasakdalan,
Gaya ng Diyos walang hanggan. - Iyong pinagmulan tulad Niya
Bago pa ng sangnilikha;
Bago pang pinakauna,
Ikaw na nauna't una. - Walang mga ito sa Iyo:
Pagkaluma, pagbabago,
Wala nang uuna sa Iyo
Wala ring huhuli sa Iyo. - Wala ka ngang pagkaiba,
Katulad ng Diyos na Ama;
Ikaw ay Una at Alpha
Gayunding Huli't Omega. - Sa Iyong pagkawalang hanggan
Maging Iyong kasakdalan,
Maging sa Iyong kapuspusan
Ika'y dapat papurihan.
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs