Magwika Ka, Poon

  Mode: MP3/MIDI
  1. Magwika Ka, Poon,
    'Ko'y nag-aabang;
    Puso ko'y tahimik
    Na umaasam.
  2. Magwika Ka, Poon,
    Ako'y taimtim;
    Mukha Mo'y mamasdan,
    Lakas Mo'y damhin.
  3. Salitang sinabi
    Totoong buhay;
    Tinapay ng langit,
    Pagkaing tunay.
  4. Sarili'y di akin,
    Lahat ay sa Iyo;
    Masayang pagsuko,
    Sa Iyo lang ako.
  5. Magwika sa akin,
    Huwag kang magtimpi;
    Buhay Mong salita,
    Ang aking mithi.
  6. Bigyang kaalaman
    Ng Iyong naisin;
    Tanang kaluguran,
    Sa anak tupdin.
  7. Gaya ng 'sang hardin,
    Puspos ng samyo;
    Buhay ko'y makita,
    Sa presensiya Mo.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds