Favorites

Poon, sa aki'y magwika

  Mode: MP3/MIDI
  1. Poon, sa aki'y magwika!
    Ako ay naghihintay,
    Tinig Mong mapagbiyaya,
    Sa akin ay ibigay.
    Tinig Mo ay diringgin;
    Ano ang sasabihin?
  2. Madalas sa aking puso,
    May ibang alingawngaw;
    Dagundong, di sa Iyong templo,
    Aking diwa'y inagaw.
    Tinig Mo'y iparinig,
    Lahat ay matahimik.
  3. Huwag tulutan na lumisan,
    Kung di Ka maririnig;
    Puso ko'y Iyong nalalaman,
    Nais ko ang Iyong tinig.
    Talos Mo kailangan ko;
    Pagpalain Mo ako.
  4. Magwika, at Iyong ihanda,
    Upang tinig Mo'y dinggin,
    Galak na tumatalima,
    Bawa't salita'y sundin.
    Ako ay nakikinig
    Ng wika sa Iyong bibig.
  5. Poon, sa 'kin magwika Ka,
    Ngalan ko'y Iyong banggitin;
    Mas matatag at malaya,
    Sundin Kang mas matulin;
    Kawan ay in'hatid Mo
    Sa anino ng Bato!

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds