Favorites

Hesus, ngalan Mo'y "Ako Nga"

  Mode: MP3/MIDI
  1. Hesus, ngalan Mo'y "Ako Nga"
    Banal, mahalaga't tunay,
    Ang kailangan ko ay nasa
    Lahat Mong taglay.
  2. Ama Ka at Anak kapwa,
    Kubli na Diyos, hayag na Diyos,
    Espiritung kasama nga,
    Ang nagtutustos.
  3. Tabernakulo't templo Ka,
    Tahanan, k'hayagan ng Diyos;
    Yaman Niya'y aking tamasa,
    Makita ang Diyos.
  4. Kasintaha't Kordero Ka,
    Pinatawad aking sala,
    Para sa akin nagdusa,
    Sa 'kin nagpala.
  5. Daan Ka at karunungan,
    Ayon sa Iyong kalooban,
    Ako ay biniyayaan,
    At ginabayan.
  6. Kabanalan, kat'wiran Ka,
    Kaisa't kaayon ng Diyos,
    Ako'y matuwid, banal na,
    Kawangis ng Diyos.
  7. Ika'y ilaw at buhay pa,
    Nilulon ang kamatayan,
    Ako'y binuhay, lumaya
    Sa kadiliman.
  8. Lakas, muling-pagkabuhay,
    Winasak Mo ang libingan,
    Nang ako ay magtagumpay,
    May kalakasan.
  9. Buhay na tubig at manna,
    Tustos Kang nagpakababa,
    Uhaw, gutom ko'y pawi na,
    Kasarapan Ka.
  10. Manggagamot at Pastol Ka,
    Namatay para sa akin,
    Nagmahal at nag-alaga,
    At nagpagaling.
  11. Saserdote Ka at Hari,
    Sa Diyos ako'y dinala Mo,
    Kapangyariha'y bahagi
    Ko sa Iyong trono.
  12. Katubusan Ka't pag-asa,
    Babaguhin ang anyo ko,
    Lubos kong maihayag Ka,
    Bilang wangis Mo.
  13. Kap'yapaan, l'walhati Ka,
    Salita, katotohanan,
    Araw, tahanan, biyaya,
    Bato, tanggulan.
  14. Walang-hanggan ang taglay Mo,
    Taas, lalim, luwang, haba!
    Yaman sa kasalatan ko,
    Nag-umapaw pa!

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds