Favorites

Nagtipon nanalangin

  1. Nagtipon nanalangin,
    Nagkaisa Kang hanapin;
    Saserdote nga kami
    Nakabantay sa Hari.
    • Sa aming panalangin,
      Mabuti Mo'y hipuin;
      Ming 'Spiritu'y maghalo
      Ekklesia'y maitayo.
  2. Magpakasaserdote,
    Nasa 'spiritu lagi;
    Batid Iyong kalooban,
    Layon may katuparan.
  3. Sa kabanal-banalan
    Hipo'y b'yayang luklukan;
    'Spiritu Mo sa amin,
    Patuloy paraanin.
  4. Sa luklukan ng awa,
    Daloy ilog ng b'yaya;
    Hanggang sa 'spiritu ko,
    Tulong aking natamo.
  5. Nawa'y aming dalangin,
    Bigkas ng Iyong damdamin;
    Di ayon sa sarili,
    Kundi sa Iyo ang hingi.
  6. Kahit maraming bagay,
    Dapat sa Iyo isaysay,
    Nguni't Iyong ka-i-langan
    Di dapat maunahan.
  7. Nawa kami'y pakinggan,
    Tubig ng buhay bigyan;
    Busugin sa biyaya
    Tupdin namin Iyong gawa.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds