Favorites
Hangarin kong mamuhay
- Hangarin kong mamuhay,
Sa kabanal-banalan;
B'yayang trono'y hipuin,
Tubig Niya'y padaluyin. - Ang kabanal-banalan,
Nasa 'king espiritu;
Pangino'n nananahan,
Do'n Siya matatagpuan. - Sa 'spiritu'y babalik,
Siya'y aking matagpuan;
Ito'y kahanga-hanga!
Kumpletong nasa lo'b Siya. - Samyo ng Kristong buhay,
Sa loob ko nataglay.
Sa 'spiritu magdasal,
Kristo aking matanghal. - Kristong nasa 'spiritu,
Hipuin nang matamo;
Lahat Niyang kayamanan,
Ako'y mapupuspusan. - Malalim na paghipo,
Siya'y mararanasan ko;
Kautusan ng buhay,
Pagpapahid mataglay. - Higit na hinihipo,
Higit na tumitimo;
Ang malalim na Kristo,
Ang mannang nakatago. - Pagkabuhay-na-muli,
Karanasan kong tunay;
Umusbong sangang tuyo,
Pagtanggap Niya'y matanto. - Trono ng biyaya Mo,
Natagpuan ko rito;
Agos ng tubig-buhay,
Mula sa trono'y taglay. - Nananalangin tayo,
Napalaya't nahalo;
Sa 'ting mga 'spiritu,
Saserdote nga tayo. - Sa kabanal-banalan,
Panginoo'y mahipo;
Trono ng biyaya Niya,
Lubusang matamasa.
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs