Favorites

Pangino'n mananahimik ako

  Mode: MP3/MIDI
  1. Pangino'n mananahimik ako,
    Sa panloob makadulog sa Iyo;
    Man'langing di ayon sa daan ko
    Dalangin Mo'y maging dalangin ko.
  2. Tila sa langit nakikinig Ka,
    Nguni't sa loob ko nakatira;
    Tila ako ang nananalangin,
    Nguni't mula sa Iyo ang dalangin.
  3. Kung minsan walang masabi ako,
    Susunod sa hibik ng 'spiritu;
    Di ako sa labas ang humingi,
    Ikaw sa 'king loob ang nagsabi.
  4. Panginoon Kita'y lalanghapin,
    Kainin, inumi't tamasahin;
    Nang ako'y makasalamuha Mo
    Sa akin, Ikaw maihayag ko.
  5. Silayan ako ng liwanag Mo,
    Linisin, hugasan ng Iyong dugo;
    Di lamang ako maliwanagan,
    Bagkus malinaw Iyong kahayagan.
  6. Dito ako'y Iyong pinapahiran,
    Upang Iyong Sarili'y maragdagan;
    Elemento Mo'y dumami lalo,
    Nang Ika'y higit maihayag ko.
  7. Bukas ako sa Iyo, pumasok Ka
    Bukas din sa iba, umagos Ka;
    Salamuha sa tubig ng buhay
    Kahayagan Mo'y lubos at tunay.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds