Favorites

Makilatis ang espiritu

  Mode: MP3/MIDI
  1. Makilatis ang espiritu,
    Nang makilala Ka Mismo;
    Espiritu sa 'ming 'spiritu,
    Kami'y nahalong kai-sa Mo.
  2. Makilatis ang espiritu,
    Itakwil buhay-kal'wa ko;
    Laging sundan Ka sa 'spiritu,
    Gamitin ang Espiritu Mo.
  3. Makilatis ang espiritu,
    Nang di sa laman ako
    Maglagak ng 'king kaisipan;
    Sa sarili'y matalian.
  4. Makilatis ang espiritu,
    Hindi makakal'wa ako;
    Maging espiritwal na tunay,
    Makilatis tamang bagay.
  5. Makilatis ang espiritu,
    Mahantad sariling tuso!
    Sa krus matuos sarili ko
    Ipamuhay Ka nang husto.
  6. Makilatis ang espiritu,
    Nang matransporma kal'wa ko;
    Maiwangis sa Iyong larawan
    Abutin gol sa paggulang.
  7. Makilatis ang espiritu,
    Ibigay ang salita Mo;
    Mahati kalul'wa't 'spiritu,
    Sa kabanal-banalan 'ko.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds