Panginoong Espiritu
Panginoong Espiritu
1
|
Panginoong Espiritu Sa ’min namumuhay; Amin at Iyong Espiritu Nagkaisang tunay. |
2
|
’Spiritu nating dalawa, Kapwa sumasaksi, Kami’y anak ng Diyos Ama, Mamana’y l’walhati. |
3
|
Ikaw aming nahihipo Sa ’ming espiritu, Ibinigay Sarili Mo Bilang Espiritu. |
4
|
Lumalakad sa ’spiritu, Lagi Kang susundan; Gumagabay Kang ’Spiritu, Ako’y Iyong tanglawan. |
5
|
Pagsamba ko’t pamumuhay Nasa espiritu; Ako ay napapatibay Ng Iyong Espiritu. |
6
|
Espiritu Mo’t amin din Sabay manalangin; Espiritu Ka sa amin, Ang Siyang dumaraing. |
7
|
Babaling sa espiritu Nang makaugnay Ka; Mabahagi sa ’spiritu, Ang dibinong mana. |
8
|
Anong kaisahan ito! Dalawang ’spiritu Magkatahan, magkahalo, Ang amin at sa Iyo! |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?