Favorites
Tatlong bahagi ang tao
- Tatlong bahagi ang tao,
Katawan, kal'lwa't 'spiritu,
Diyos tutupdin Kanyang plano,
Pamana Niya ay matanto. - Nasa labas ang katawan,
May pakiramdam sa mundo,
Tao'y nahayag sa laman,
Bagay materyal mahipo. - Nasa loob ang kalulwa,
Sarili niya'y makilala,
Bagay pansikolohiya,
Tao'y makauunawa. - Malalim ang espiritu,
Sa loob, Diyos ay matanto,
Diyos ay matanggap ng tao,
Bagay 'spiritwal mahipo. - Isip, pasiya, at damdamin
Ang bahagi ng kalulwa;
Sa tao'y mga tungkulin,
Nang maganap kanyang gawa. - Bahagi ng espiritu:
Budhi, andam, salamuha,
Kaugnay niya ang Diyos dito,
Diyos matanggap at masamba. - Kalulwa dapat sanayin
Lahat ng sa Diyos piliin,
Sa espiritu, tanggapin,
Sa katawan, Diyos dangalin. - Muling-pagsilang, 'spiritu
May buhay ng Diyos, dibino;
Kalulwa dapat mabago,
Katawa'y tulad kay Kristo. - Dahil sa gawang dibino,
Bawa't bahagi ng tao,
Sa Pangino'n nakihalo
Diyos inihayag nang buo.
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs