Favorites

May ngalan kay Hesus 'binigay

  Mode: MP3/MIDI
  1. May ngalan kay Hesus 'binigay,
    Nang pag-ibig Niya'y masaysay
    Sabi nito, Siya'y kapatid ko
    Emmanuel, ang ngalang ito.
    Anghel sa Kanya'y nagsisamba
    Taong nanahan sa lupa;
    Magpakailanman Diyos-Tao Siya,
    Emmanuel na sinisinta.
  2. Pangalang mahalagang higit,
    Puso namin napaibig.
    Ngalan sa ibabaw ng lahat
    Hesus pangalang marilag.
    Sabi nito Manliligtas Siya,
    Mula sa sakit at sala
    Pangalang Hesus ay mahal ko
    'Pagka't niligtas Niya ako.
  3. Pangalang Hesus ating sinta
    Ngalang Kristo'y mas higit pa;
    Pagka't Siya'y nanahan sa atin.
    Lumang puso ay baguhin
    Kapuspusan ng Espiritu
    Sinasalaysay rin nito;
    Pahiran Mo rin ako, Kristo
    Puspusan ng Espiritu.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds