Favorites

'Ko'y ibong maliit

  1. 'Ko'y ibong maliit,
    Sa hawla'y napiit,
    Gayunpama'y kumakanta
    Sa Kanyang nagpas'ya;
    Mabilanggo ma'y may tuwa,
    Pagka't Diyos ko ay may siya.
  2. Wala 'kong magawa,
    Bu'ng araw kakanta;
    Sa awit ko nakikinig Siya,
    Bigyan lugod ko'y Siya;
    Aking pakpak binihag Mo;
    Pinakinggan Mo awit ko.
  3. Iyong tainga'y nakinig,
    Iyong puso'y umibig;
    Kahit nota ko'y magaspang,
    Iyo ring pinakinggan;
    Sapagka't Iyong nababatid,
    Pag-ibig nga ang naghatid.
  4. Nakulong sa hawla,
    Di makalipad nga;
    Pakpak ko'y natalian Mo,
    Malaya puso ko;
    Bilangguan di ma'pigil,
    Kaluluwa di masiil.
  5. Ang pumailanglang
    Lampas sa bilangguan!
    Tungo sa Kanya, mahal ko,
    Sa Kanya mahal ko;
    Makita sa Iyong kalo'ban
    Saya ng 'king kaisipan.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds