Favorites
Hesus sa lahat humigit
- Hesus sa lahat humigit,
Hades, lupa't langit;
Samba ng anghel at tao,
Takot ang demonyo. - Hesus, ngalang sinisinta,
Bigay sa maysala;
Nagpaalis ng pangamba,
Nagdalang payapa. - Sinaktan ulo ng Dyablo,
Napalaya'ng preso;
Ang mahina'y napalakas,
Buhay ay nagligtas. - Nawa'y matikman, makita
Ng mundo b'yaya Niya;
Pag-aruga'y tamasahin,
Pagsinta'y tanggapin. - Hayag kong katuwiran Siya,
Patotohanan nga:
Ang tangi kong dapat gawin,
Kordero'y purihin. - Magagalak kung sa huli,
Ngalan Niya'y imutawi,
Sa lahat ipahayag Siya,
"Kordero'y masdan nga"
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs