Favorites
Pagod, malayong lakbayin
- Pagod, malayong lakbayin,
Mabigat pang pasanin
Pakinggan mong Salita Niya,
"Pasanin Akin na nga." - Ibigay na sa Kanya
Tanang pasan, bigat pa
Nagpapalakas Siya
Aaliwin ka Niya
Ibigay na sa Kanya.
- Paa't kamay nangangalay,
Ilawan walang silay;
Pasang mabigat na lubha,
Ihagis na sa Kanya. - Humiwalay ang kaibigan,
Pusong hapis nasaktan;
Namanglaw, nag-alaala,
Tanan 'hagis sa Kanya! - Nangulila, nanghihina
Puso ay kabang-kaba,
Dahil 'king kinalimutan
Kay Kristo 'bigay tanan. - Siya'y nag-aliw, nagpatibay,
Yapak mo Siya'ng gagabay;
Lakas sa iyo idaragdag
Siya sa iyo'y magpanatag.
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs