Favorites
Nakikiramay ba si Hesus
- Nakikiramay ba si Hesus,
Kung ako'y nasasaktan
Sa kahirapan,
Kapighatian,
At pasang krus pa ang daan? - Oo, nakikiramay Siya,
Ang puso Niya'y nasaktan,
Kapag ang araw
ay may kalungkutan
Nakikiramay Siya.
- Nakikiramay ba si Hesus,
Kung natatakot ako,
Pagtakip-silim,
At dumidilim,
Siya ba ay nasa piling ko? - Nakikiramay ba si Hesus,
Kung mithing tagumpay na
Pinagsikapan,
Di ko nakamtan,
Walang patid ang pagluha? - Nakikiramay ba si Hesus,
Kung sa 'king pagpaalam,
Sa aking sinta
Rito sa lupa;
Puso ko'y nasusugatan?
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs