Favorites

Pangalan Mo'y mahal ko

  Mode: MP3/MIDI
  1. Pangalan Mo'y mahal ko,
    Luluhod sa harap Mo;
    L'walhati't kapangyarihan
    Ikaw lamang bibigyan.
    Magkaisa ang himig,
    Ganda Mo'y aming awit.
    Papuri't pasasalamat,
    Ika'y karapat-dapat.
  2. Pangalan Mo'y mahal ko,
    Sinasalaysay nito
    Pag-ibig ng Diyos, bago pa
    Panaho'y nagsimula.
    Tisod na tao'y nais,
    Iligtas ng pag-ibig.
    Kaya bumaba Ka rito
    Gawin kaming yaman Mo.
  3. Mahal ko ang Iyong ngalan,
    Sinalaysay pagsilang:
    Biyaya Mo't kaamuan,
    At malumbay Mong daan.
    "Taong kapighatian",
    Aming hirap Iyong pasan;
    Ininom sarong mapait
    Sinuot putong, tinik.
  4. Aking mahal ngalan Mo,
    Sa Diyos, Ika'y Kordero;
    Sa aking sala'y nagbubo
    Ng Iyong mahal na dugo.
    Nakaluklok sa langit,
    May putong na l'walhati;
    Laya ako'y Iyong binigyan,
    Aleluya sa Ngalan!

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds