Favorites

Tinawag "Hesus" Iyong ngalan

  Mode: MP3/MIDI
  1. Tinawag "Hesus" Iyong ngalan,
    Kamangha-manghang ngalan;
    Nang sa tao'y nakatulad,
    Birhen sa Iyo'y nanganak.
    Jehovah-Manliligtas Ka
    Kami'y 'ligtas sa sala;
    Tagapagligtas tanggapin
    Dibinong buhay akin.
  2. Para sa Iyong ministeryo,
    Tinawag Ka ring "Kristo"
    Pinahirang Isa ng Diyos,
    Naitalagang lubos.
    Ika'y Mesiyas ng Diyos na,
    Tinakda ng pagsinta.
    L'walhati Niya'y mahayag rin,
    Upang layon Niya'y tupdin.
  3. Diyos Kang kasama ng tao,
    Sa ngalan "Emmanuel" Mo;
    Di mawalay Diyos at tao,
    Sa biyaya'y naghalo.
    May b'yaya't katotohanan,
    Diyos nahayag sa laman
    Sa Iyo, nakita't nakamtan,
    L'walhati ng Diyos't yaman.
  4. Pangino'ng mahal, kay yaman,
    Ng matamis Mong ngalan;
    Hahawakan sa pagsinta,
    Ngalan Mong mahalaga.
    Sa Iyo'y pag-ibig pagsamba,
    Manliligtas na Sinta;
    Mal'walhating Kristo namin,
    Emmanuel ri'y purihin.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds