Favorites
Ang ngalang Hesus, kay tamis
- Ang ngalang Hesus, kay tamis,
Himig nito'y aking nais,
Puso ay pinaligaya
Ng ngalang mahalaga. - Hesus, ngalang kay tamis,
Hesus, walang kaparis,
Hesus, itanyag natin,
Nararapat purihin.
- Ang ngalang Hesus, mahal ko,
Kanyang talos ang hapis ko;
Pangamba'y Kanyang tinapos,
Mahal ko, ngalang Hesus. - Hesus, ngalang kay tamis,
Hesus, walang kaparis,
Hesus, itanyag natin,
Nararapat purihin.
- Laging marinig, nais ko,
Hesus, aliw ng puso ko,
Pinahid Niya aking luha,
Ngalang Hesus, dakila! - Hesus, ngalang kay tamis,
Hesus, walang kaparis,
Hesus, itanyag natin,
Nararapat purihin.
- Walang wikang makasabi
Ang tamis sa puso't labi
Ng ngalang dapat purihin,
Ngalang Hesus, purihin! - Hesus, ngalang kay tamis,
Hesus, walang kaparis,
Hesus, itanyag natin,
Nararapat purihin.
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs