Favorites

Sulong! ang sigaw ko

  Mode: MP3/MIDI
  1. Sulong! ang sigaw ko,
    Sabay ang hakbang;
    Sa layon patungo,
    Lahat talikdan.
    Apoy na haligi,
    Tanglaw sa daan,
    Huwag mag-atubili,
    Kristo'y sa unahan.
    Sa ilang dumaan
    At sa labanan,
    Kita na'ng Canaan,
    Ang Sion maratnan.
  2. L'walhati't l'walhati,
    Handa ng Ama;
    Mayro'n kang bahagi
    Kung mahal mo Siya.
    Di mo pa nakita,
    Di pa narinig,
    Handa Niyang sagana,
    Di pa naisip.
    Sulong, sulong hanggang
    Sa kaharian,
    Dating inasahan
    Ay katunayan.
  3. Sulong, malapit na
    Ang kaharian;
    Iyong matatamasa
    Ang kabaguhan.
    Putong mal'walhati
    Ang makamtan mo,
    Ika'y maghahari
    K'sama ni Kristo.
    Sulong! Iyong tapusin
    Ang paglalakbay,
    Lakas Niya'y gamitin,
    Magtatagumpay.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds