Ngalang Hesus anong tamis
| Mode: MP3/MIDI |
- Ngalang Hesus anong tamis
Sa pandinig namin,
Pinaparam ang pighati,
Takot pinapawi. - Sa sugatang espiritu
Nagpapagaling 'to;
Sa pagod na kaluluwa
Ito ang pahinga. - Minamahal na Pangalan!
Ang Batong saligan;
Hindi maubos na yaman,
Kalasag, kublihan. - Hesus, ang Tagapagligtas,
Pastol, Buhay, Landas,
Tanggapin aming papuri,
Saserdote't Hari. - Mahina man ang pag-ibig,
Paglingap malamig,
Nguni't nang Ika'y makita
Sadyang mapuri Ka. - Iyong pag-ibig ipagbunyi
Hanggang buhay kami;
Nagwawagi sa Iyong Ngalan
Daig kamatayan.
(Ulitin ang huling dalawang linya ng bawa't saknong)