Favorites

Hesus, ang pangalan

  Mode: MP3/MIDI
  1. Hesus, ang pangalan,
    Aming mahal;
    Kataas-taasan,
    Ngalang Hesus!
    Lahat Ka sa amin,
    Buhay at mana rin,
    Hindi kakapusin,
    Panginoon!
  2. Nagkatawang-tao
    O Hesus ko,
    Sa krus ipinako,
    Doo'y nagdugo!
    Dakilang pagsinta,
    Pagtubos ganap na,
    Walang kapantay Ka,
    Panginoon!
  3. Ikaw ang nagbigay
    Ng buhay ko,
    At aking tagumpay
    Buhat sa Iyo!
    Takot pa ba ako
    Sa dusa, demonyo?
    Ika'y Taga-alo,
    Panginoon!
  4. Babalik Kang muli,
    Hesus namin!
    Mangagalak kami
    Sa Iyong pagdating!
    Magkikita-kita,
    Makawangis Mo pa,
    Lagi Kang kasama,
    Panginoon!

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds