Favorites

Kawal ka ni Kristo

  Mode: MP3/MIDI
  1. Kawal ka ni Kristo,
    Ika'y namuno,
    Dati'y nagpalalo,
    Kaya't natalo;
    Kay Kristo umasa,
    Huwag sa sarili mo,
    Lahat, iyong magagawa
    Sa nagpalakas sa iyo.
  2. Sa iyong paglilingkod
    Sa katuwiran,
    Di ka ba napagod?
    At nahirapan?
    Ika'y magtiwala
    Sa Manliligtas mo,
    Lahat, iyong magagawa
    Sa nagpalakas sa iyo.
  3. Kung bagot sa daan,
    'Tulungan ka Niya,
    Nagagalak ka man
    O nagdurusa;
    Apoy man o baha -
    Mapanaigan mo,
    Lahat, iyong magagawa
    Sa nagpalakas sa iyo.
  4. Sa masamang mundo,
    Kalat ang tukso,
    Kung tututulan mo,
    Diyablo'y tatakbo;
    Wala na siyang bisa
    Kung ipahayag mo,
    Lahat, iyong magagawa
    Sa nagpalakas sa iyo.
  5. Ang lakas ni Kristo
    Hindi masukat,
    Mag-iingat sa iyo
    Sa lahat-lahat;
    Sapat Niyang biyaya
    Lumulukob sa iyo,
    Lahat, iyong magagawa
    Sa nagpalakas sa iyo.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds