Favorites

Bethlehem, ating lakaran

  Mode: MP3/MIDI
  1. Bethlehem, ating lakaran
    Puso'y sa Diyos 'tinakda;
    Kay Hesus ay natututo,
    Habang pisngi'y may luha;
    'Pagka't kwadra at sabsaban
    Di maganda sa mata,
    Ngunit susunod kay Hesus,
    Kung gusto'y gantimpala.
  2. Nazareth ang daraanan,
    Kumikitid nang lalo;
    Di ka'gad maunawaan,
    Ngunit Diyos nagtuturo;
    Na lingkod ay di hihigtan
    Ang Poon niya, na noo'y
    Dinusta't binale-wala,
    Magdusa ma'y, sundan Siya!
  3. Sa Galilea Siya'y masdan:
    Binato at 'sinumpa;
    Mali kaya Kanyang daan?
    Bakit labis hirap Niya?
    Di mali, may payapa Siya,
    Bakong daan ating din
    Lalakaran nang gaya Niya,
    Layuni'y di mabimbin.
  4. Kasunod sa Getsemani,
    Labis Siyang pinighati;
    Hukbo ng dyablo'y nang-api,
    Kay lagim na paligid.
    Tayo ma'y natisod dili,
    Mga anghel nagsabi,
    "Mahal, masdan ang l'walhati,
    Labanan ay maikli.
  5. At sa Krus! do'n sa Kalbaryo,
    Maharlika'y tutungo,
    Kasama Niya sa kahi'yan,
    Hindi uurong tayo.
    Pagd'rusa nati'y maikli,
    'Pag dumating Siyang muli;
    Ang pighati'y mapapawi.
    Sa 'l'walhati Niyang ngiti.
  6. At sa hukay, may pagtangis,
    Buhay ay tumakas na,
    (Kamanlalakbay, tinuring
    Ka bang patay ng mundo?)
    Tayo'y babangong kasama
    Ni Hesus na mamuhay;
    Masayang tatalikuran,
    'Tinuring nilang buhay.
  7. Sulong! at do'n ay magningning,
    Palapit bawat araw,
    Banal na lunsod, kay ganda;
    Atin nang natatanaw;
    Dinggin ang mayuming himig
    Tinatanggap tayo Niya,
    Upang iluklok sa trono
    Do'n sa kaharian Niya.
  8. Malapit na ginigiliw!
    Paa'y di na sasakit;
    Wala nang sala at luha,
    Maghunos, tumahimik;
    Matamis ang pagbulong Niya,
    "Huwag manghina't matakot,
    Marahil bago magbukas,
    Lakbay ay matatapos!"

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds