Favorites

Hesus, Anak ng Tao Ka

  Mode: MP3/MIDI
  1. Hesus, Anak ng Tao Ka,
    Taglay Mo ang pagka-tao,
    Isinilang ng dalaga,
    May katawan—laman, dugo.
  2. Naging abang alipin Ka,
    Lumakad sa mundong api,
    Tiniis lahat ng dusa,
    Di-mabigkas na pighati.
  3. Ika'y sanggol sa sabsaban,
    Dukhang sa ilang tumubo,
    Anluwaging nanungkulan,
    Tila salarin, napako.
  4. Binuhay Ka muli ng Diyos,
    Pagka-tao taglay pa rin.
    May anyo Ka ng pagka-Diyos,
    Sa langit, Tao Ka pa rin.
  5. Sa luklukan naghari Ka,
    Tao Ka pa rin sa glorya.
    Tao Kang kasama ng Diyos,
    At kasiyahan Niyang lubos.
  6. Sa l'walhati babalik Ka,
    Tao pa ring mapakita,
    Hari ng mga hari Ka
    Na may pantaong esensiya.
  7. Sa langit at lupang bago,
    Sa lahat Ikaw ang sentro;
    Magpakailanma'y dibino,
    At umiiral na Tao.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds