Favorites

Diyos maisip ay naakit

  Mode: MP3/MIDI
  1. Diyos maisip ay naakit,
    Puso ay naakit;
    Lupa'y di nakabighani,
    Lupa'y naiwaksi.
  2. Naligtas di mapahamak,
    Hindi pa nga sapat;
    Pag-isip sa Diyos nagsanhi
    Sa Kanya'y magmithi.
  3. Sa tao Diyos nga'y tahanan,
    Landas makitid man;
    Liban sa Diyos wala'ng si-ya,
    Uhaw nga sa Kanya.
  4. 'Pag sa iyong kaibuturan,
    Diyos ay parangalan;
    Lahat ng masamang tukso,
    Tiyak maglalaho.
  5. Puso't matang may tiwala,
    'Tamo'y paggabay Niya;
    May lakas ang pananalig,
    Anupa't pag-ibig?
  6. Landas ng paghabol sa Diyos,
    Pagtahak ay kapos!
    Sa Diyos, iyong puso'y ituon,
    Ika'y mapasulong.
  7. Pang-araw-araw na gawa,
    Lumaya sa sala,
    Biyaya rito sa lupa,
    Hilingang pagsinta.
  8. Mahirap para sa laman
    Ang sakdal na daan;
    Nguni't hindi sa pag-ibig,
    Diyos nakababatid.
  9. Budhi dapat sensitibo,
    Damdamin mahipo;
    Pagpapahid laging sundin
    Paggulang iyong kamtin.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds