Favorites

Sa bilad ng araw nangingitim

  1. Sa bilad ng araw nangingitim,
    Anak ng liwanag marilag din;
    Hiwaga ng galak, di-mabatid,
    Mal'walhating Hari ang naghatid.
    Di-naisip ng tao man,
    Ni kailanman nahawakan;
    Sa liwanag nanahanan,
    Natamo'y kal'walhatian.
  2. Lahi lamang ni Adam sa tingin,
    Pilat, anyo't sakit panlupa rin;
    Tulad ng natisod na maysala,
    Panlabas na kailangan di iba.
    Pamumuhay panlupa rin,
    Natutulog, kumakain;
    Subali't walang halaga,
    Ang panlupa sa kanila.
  3. May buhay ng Diyos sa loob nila,
    Muling 'sinilang ng Salita Niya;
    Dibinong pag-ibig nagpaalab,
    Sa anak ng Bagong Herusalem.
    Banal ng liwanag sila,
    Papuring awit kinanta;
    Dakilang Diyos pinagbunyi,
    Sa kahanga-hangang himig.
  4. Lakad sa lupa, tahan sa langit,
    Walang lakas nguni't namahala;
    May hirap nga nguni't may payapa,
    Dukha man, lahat ay sa kanila.
    Binagbag hindi napuksa,
    Nakaugat sa ligaya;
    Nasa lilim ng kam'tayan,
    Nguni't buha'y walang hanggan!
  5. Kristo buhay nila magpakita,
    Dala ang pagkahari at glorya;
    Glorya nilang matagal nang kubli,
    Mahahayag walang pasubali.
    Kristo kasamang aakyat,
    Sa langit magliliwanag;
    Kubling liwanag sisilay,
    Bawa't banal gaya'y araw.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds