Favorites

Bugtong na Anak ng Ama

  Mode: MP3/MIDI
  1. Bugtong na Anak ng Ama,
    Ikaw ang Salita;
    Diyos na nakita't narinig
    Ang Mahal ng langit.
    Anak ng Diyos, matagpuan,
    Sa Iyo Kanyang kapuspusan.
  2. Sa Iyo, l'walhati ng Ama,
    Sakdal na nakita.
    Kapuspusan ng Diyos sa Iyo,
    Palaging dibino.
    Anak ng Diyos, matagpuan,
    Sa Iyo Kanyang kapuspusan.
  3. Larawan ng Di-makita,
    Kubling esensiya Niya;
    Tanglaw ng di-likhang Ilaw,
    Puso Niya'y natanaw.
    Anak ng Diyos, matagpuan,
    Sa Iyo, Kanyang kapuspusan.
  4. Maging anghel di-malaman,
    Hiwaga ng Ngalan;
    Sarili Mong mahiwaga
    May unawa'y Ama.
    Anak ng Diyos, matagpuan.
    Sa Iyo, Kanyang kapuspusan.
  5. Sansinukob pinagpala,
    Ika'y sentro na nga;
    Anak ng langit na sinta.
    O papurihan Ka!
    Anak ng Diyos, matagpuan
    Sa Iyo, Kanyang kapuspusan.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds