Favorites

Hesus, Ika'y Anak ng Diyos

  Mode: MP3/MIDI
  1. Hesus, Ika'y Anak ng Diyos
    At Salitang buhay,
    Mal'walhating anyo ng Diyos,
    At wangis Niyang tunay.
  2. Kapuspusan ng pagka-Diyos
    Nananahan sa Iyo,
    Pagsasakatawan ng Diyos -
    Diyos inihayag Mo.
  3. Sinag ng l'walhati ng Diyos,
    Kaisa ng Ama,
    Tunay na larawan ng Diyos,
    Realidad Ka Niya.
  4. Sa Iyo, Diyos ang aming buhay,
    Sa Iyo, Diyos ang ilaw,
    Kalikasan Niya'y 'ming taglay,
    Sa Iyo ang paglago.
  5. Biyaya ng Diyos nasa Iyo,
    Diyos ay natamo ko;
    Realidad ng Diyos sa Iyo,
    Diyos ay nakita ko.
  6. Natanggap ko'ng kapuspusan -
    Biyaya sa b'yaya;
    Bahagi ko Kanyang yaman,
    Sa Diyos nakiisa.
  7. Pangino'n, Diyos, purihin Ka,
    Lahat ko'y nasa Iyo;
    Puso ko ay sumisinta,
    Humahanga sa Iyo!

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds