Anong tamis ng pagsalamuha
| Mode: MP3/MIDI |
- Anong tamis ng pagsalamuha,
Kay Hesus laging magtiwala;
Ako'y pinagpala at payapa,
Kay Hesus laging magtiwala. - Mapayapa,
Ligtas at walang pangamba;
Mapayapa,
Kay Hesus laging magtiwala. - Landas tinahak, puso'y panatag,
Kay Hesus laging magtiwala;
Lalong tatahak, mas liliwanag,
Kay Hesus laging magtiwala. - Ano ang kinatatakutan pa?
Kay Hesus laging magtiwala;
Payapa, Panginoo'y kasama,
Kay Hesus laging magtiwala.