Favorites

Sa loob ng tabing, pumasok ka

  Mode: MP3/MIDI
  1. Sa loob ng tabing, pumasok ka
    At sa kampamento, lumabas ka;
    Kung sa Pinakabanal mas'yahan,
    Ang mundo'y kusa mong tatalikdan.
  2. Sa loob ng tabing, pumasok ka,
    At sa kampamento, lumabas ka;
    Kung sumilay l'walhati sa puso,
    Paano pa mabihag ng mundo?
  3. Ang maluwalhating Kristo'y masdan,
    Mapagpakumbabang Kristo'y sundan;
    Kung trono't putong bumihag sa iyo,
    Sabsaban at krus haharapin mo.
  4. Kapangyarihan ng buhay kamtin,
    Landas ng krus siya nating tahakin;
    Kung mukha Niya sa langit mamasdan,
    Bakas ni Kristo sa lupa'y sundan.
  5. Sa taba ng langit magtamasa,
    Tiisin kahirapan sa lupa;
    Kahit pagsubok dulot ay dusa,
    May galak din dahil kasama Ka.
  6. Tamasahin ang yaman ni Kristo,
    Tustusan ang kailangan ng tao;
    Kung buhay ng langit ma'hayag Mo,
    Pagpala'y mabahagi sa tao.
  7. Sa loob ng tabing pumasok ka,
    Hanggang langit lupa'y magkaisa;
    Ika'y lumabas ng kampamento,
    Hanggang magkaisa Diyos at tao.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds